1. Anong masidhing damdamin ang gustong makamtan ng mang-aawit

1. Anong masidhing damdamin ang gustong makamtan ng mang-aawit
2. Ano ang kayang tiisin ng mang-aawit kung walang tanikalang nakatali sa
kanyang leeg? Ito ba ay napakahala, Bakit?
3. Kanino sinasabi ng mang-aawit ang “Kuko ng Agila?”
4. Anong uri ng pagmamahal ang tinutukoy ni Freddie Aguilar sa kanyang awit?
5. Ano ang mensahe ng awit sa atin? Ipaliwanag.​

Answer :

Sa Kuko ng Agila – Freddie Aguilar

  1. Ang masidhing damdamin na gustong makamtan ng mang-aawit ay ang kanyang kalayaan sa kamay ng mga mananakop sa kanyang bansang sinilangan.
  2. Ang kayang tiisin ng mang-aawit kung walang tanikalang nakatali sa kanyang leeg ay ang kahirapan. Napakahalaga na malampasan o tiisin ang kahirapan sapagkat tumutukoy ito sa pangyayari o mga karanasang nararanasan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
  3. Sinasabi ng mang-aawit ang “Kuko ng Agila” sa kanyang mga kasamahan na inalipin ng banyaga sa sariling bansa. Ang Agilang kanyang tinutukoy sa awit ay ang mga sumakop sa ating bansa na nagpahirap sa mga Pilipino na makamit ang kalayaan na inaasam.
  4. Ang uri ng pagmamahal na tinutukoy ni Freddie Aguilar sa kanyang awit ay ang pagmamahal sa bayan. Walang anumang dakilang pagmamahal kundi ang pagmamahal sa  bayang sinilangan.
  5. Nais sabihin ng awit na kinakailangan na matapos na ang pang-aalipin na ating nararanasan sa ating sariling bansa. Sa ganitong paraan ay makakamit natin ang tunay na kalayaan at kaligayahang bukal sa puso.

 

Our team advises readers to look into the following questions : Ano ang kahulugan Ng katarungan