Ano ang dahilan at epekto ng quarrying

Ano ang dahilan at epekto ng quarrying

Answer :

Mga dahilan at epekto ng quarrying.

Ang quarrying ay ang proseso ng pagkuha ng bato, buhangin, graba at iba pang yamang mineral na matatagpuan sa kalupaan. Kilala rin ang quarry sa iba pang tawag gaya ng “surface mine”“pit”“open pit” at “opencast mine”.

Dahilan ng quarrying:

  • Pagkuha ng mga materyales na magagamit sa pabuo ng mga bagay na ginagamit sa araw-araw – Halos lahat ng ating gamit sa araw-araw ay mga materyales na makukuha lamang sa pamamagitan ng quarrying.
  • Dagdag na trabaho para sa mga lokal na mamamayan – Maraming gawain ang kinakailangan sa isang quarry kung kaya’t maraming oportunidad para sa trabaho.

Ilang epekto ng quarrying:

  • Pagkasira ng kalikasan – Isa sa mga pangunahing epekto ng quarrying. Bago pa man makapagsimula ang isang quarry, kinakailangang alisin ang mga puno sa isang lugar. Bunsod nito, nakakalbo ang kagubatan at nawawalan ng tirahan ang mga hayop.
  • Noise pollution – Ang mga kagamitan sa paghuhukay ay mga gumagawa ng mga malalakas na ingay na nakaiistorbo sa mga kalapit na lugar. May mga pagkakataon rin na gumagamit ng mga pampasabog upang madaling mahukay ang lupa.
  • Polusyon sa hangin – Ang paghuhukay sa lupa ay nagdudulot ng maraming alikabok na maaring makapaglakbay sa hangin. Ang makakalanghap ng mga alikabok na ito ay maaring magkaroon ng mga komplikasyon sa kanilang kalusugan.

 

Our team advises readers to look into the following questions :True or False