Ano ang ibig sabihin ng intrapersonal at intrepersonal​

Ano ang ibig sabihin ng intrapersonal at intrepersonal​

Answer :

Ano ang ibig sabihin ng Intrapersonal?

  • Ang salitang intra ay nangangahulugan sa loob. Ang taong nakikibahagi o sangkot dito ay isa lang na nauugnay sa panloob ng pandama. Karaniwan na pamilyar ang tao dito kung saan kilala ito sa tawag na self-talk. At kalimitan ang isang tao na may ganitong talino ay malihim o introvert.
  • Ito isang uri ng proseso sa pakikipagkomunikasyon kung saan ang indibiduwal ay nakikipag-usap sa kaniyang sarili. At ito ay sa paraan ng pag-iisip, pakikinig sa sarili at pagbubulay-bulay. Ang aktibidad o kilos na maaaring maisagawa ito ay sa pakikipag-usap ng isa sa salamin. Tumutulong ito para maunawaan ang mga bagay-bagay hinggil sa atin.

Ano ang ibig sabihin ng intrepersonal?

  • Ang salitang intre dito ay may kahulugan na sa pagitan. Kaya sa pakikipagkomunikasyon nangyayari lamang ito sa pamamagitan ng dalawa o higit pang tao para masabi na ito ay intrepersonal. Ang mga taong maaaring sangkot dito ay hindi bababa sa dalawa. Mayroong pagpapalitan ng ideya, opinyon at ng impormasyon dito. Maaaring ito ay sa paraan ng telepono, mail o kaya naman sa social media.
  • Sa intrepersonal, may ilang mga bagay na maaaring makaapekto sa tatanggap ng mensahe, ito ang boses, wika, kilos, at maging ang ekspresyon ng ating mukha. Kapag ang isa ay may ganitong talino, siya ay mahusay sa pakikipagkapuwa tayo dahil sa pagiging extrovert.

Tandaan:

Sa dalawang komunikasyon na ito, maaaring sa intrapersonal nakabatay ang intrepersonal dahil dito nalalaman ang pagkaunawa at karanasan hinggil sa isang bagay. Ang intrapersonal ay pinanatili ang mga impormasyon sa isip ng isang tao lamang. Sa kabilang banda, ang intrepersonal ay may pagdaloy ng komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Ano ang kahalagahan ng banaue rice terraces sa ating bansa