Ano Ang Kahalagahan ng KALAKALAN.

Ano Ang Kahalagahan ng KALAKALAN.

Answer :

Mahalaga ang kalakalan dahil maaari tayong makakuha ng mga produkto na sa ibang bansa lamang mayroon at ang malaking kita ng pamahalaan sa kalakalan ay nakadaragdag sa pananalapi ng bansa.

Ang isang halimbawa ng kalakalan sa ating kasaysayan ay ang Manila-Acapulco Galleon Trade.

Ano ang Manila-Acapulco Galleon Trade?
Ang kalakalang Manila-Acapulco Galleon Trade ay isang kalakalan na nanggaling sa Mexico papunta at pabalik ng Pilipinas. Ito ay tinatawag ding Kalakalang Galyon.

Noong 1565 sinasabing nagsimula ang kalakalang galyon sa Maynila. Ito ay ng matuklasan ni Andres de Urdaneta na isang fraileng Agustino ang daanang pabalik mula sa Pilipinas papuntang Mexico. Sinundan nya ang direksyon ng hangin ng mga bagyo sa dagat Pasipiko.
Isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya sa galyon ng Acapulco ang mga produkto. Ang mga nakalakal na mula sa Mexico ay ipinagpapalit sa mga nakalakal sa Pilipinas at ang mga nakalakal sa Pilipinas naman ay ipinagpapalit din sa Mexico.
Tinatawag na “La Nao de la China”(Ang barkong Tsino) ang mga galyon ng Maynila sa Bagong Espanya (Mexico) . Dahil ito sa mga maraming kagamitan at produktong Tsino na galing sa Maynila.
Sa loob ng 250 taon ay nakapagdala ang mga galyong Maynila ng mga mamahaling bagay tulad ng mga kasangkapang at porselana para sa pilak.
Mga kasali sa kalakalang Galyon
1. gobernador-heneral

2. mga prayle

3. miyembro ng Royal Audencia

4. mga inulila ng mga Kastila

5. mga kaibigan ng mga opisyal

Upang sila ay makakuha ng puwesto sa loob ng galyon para sa kanilang mga kalakal kailangan nila ng ticket na tinatawag na boleta.

Noong 1815 dahil na rin sa pakikipaglaban sa kalayaan ng mga Mexicano sa mga Espanyol natigil ang kalakalang galyon. Sa pagtatapos nito mas naging malaya nng makipagkalakalan ang Pilipinas sa daigdig. Ayon sa mga eksperto ang kalakalang galyon ay maagang manipestasyon ng globalisasyon na kontrolado lamang ng malalakas na bansa.

 

Our team advises readers to look into the following questions :  1.Ang tuldok o dot ay kumakatawan sa