Ano ang kahulugan ng disiplina?

Ano ang kahulugan ng disiplina?

Answer :

Ang disiplina ay nangangahulgan ng pag control sa sarili na gumawa ng masama, o ang pagsunod sa mga alituntunin alam mong tama, pagpapakita ng kabutihang asal.

Epekto ng kawalan ng disiplina

  1. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura, tingnan nyo ang kapaligiran natin ngayon dahil sa marami sa atin ang walang disiplina sa pangangalaga ng ating kalikasan, nariyan ang ibat-ibang kalamidad ang malawakang pagbaha, ang pagkalason ng ating mga anyong tubig dahil sa basura nangangamatay ang mga isda at ang mga baybaying dagat ay basura rin ang makikita.
  2. Kawalan ng disiplina sa pagsunod sa batas trapiko, ang epekto nito ang buhol buhol na trapiko sa langsangan, umiinit ang ulo ng mga tao sa lansangan na kung minsan ay humahantong pa sa matinding awayan, nahuhuli sa paaralan ang mga estyudyante kaya naman nalalampasan ang ibang aralin na imbis kanila ng natutunan, nahuhuli sa trabaho ang mga empleyado dahilan para bumagal din ang takbo ng pag usad ng ibang negosyo.
  3. Kawalan ng disiplina sa pag-aaral, laging bumabagsak sa mga exam, laging hirap makaintindi sa loob ng silid aralan. Hindi agad nanaka graduate. Dahilan upang masayang ang oras,panahon at pera, na dapat sana ay nailaan na sa ibang bagay.

Ang epekto ng pagkakaroon nh disiplina

  • Kung may disiplina lamang ang bawat isa, siguradong di malayong tayo ay magkaroon ng mas matiwasay na pamumuhay, tahimik na pamumuhay. Tahimik na bansa at isang matagumpay na bansa.
  • Kung may disiplina ang lahat ng mga mag-aaral sana ay mas maaga silang nakatatapos sa kanilang pag-aaral. Mas marami kabataan ang magiging propesyonal, mas maraming kabataan ang aasahan natin na magiging pag-asa ng ating bayan mas nakasisigurado tayo na magkakamit tayo mas maganda at maayos na bukas.

Kung meron kang disiplina na ngangahulugan lamang na meron kang pagpapahalaga sa iyong sarili maging sa iyong kapuwa. Disiplina ay napakahalaga sa pang araw-araw nating buhay dahil naniniwala ako na ang disiplina ang magiging susi natin sa ating tagumpay.

 

Our team advises readers to look into the following questions : Magbigay ng limang tungkulin bilang kapatid