Ano ang kahulugan ng kalatas

Ano ang kahulugan ng kalatas

Answer :

Kalatas:
Ang kalatas ay liham o sulat.

Kadalasan, ang kalatas ay mga mensaheng may nais na iparating sa mga bumabasa o sa pinadadalhan nito. Ito ay maaring iparating sa pamamagitan ng akda, balita, liham, o anumang anyo ng literatura. Ang pinakalayunin ng kalatas ay gisingin ang diwa ng mga tao o ng mga kinauukulan patungkol sa partikular na isyu na napapanahon, maging alisto o handa ang mga tao sa kanilang mga katayuan, at maging mapagmatyag sa mga nakaambang panganib. May mga pagkakataong ang kalatas ay may malalalim na salita at naglalaman ng mga idiomatikong pahayag upang himukin ang mga tatatanggap ng mensahe na gamitin ang isip at hindi agad na makaramdam ng galit sakaling matamaan ang kanilang mga kapalaluan.

Ang kalatas ay nabanggit sa koridong Florante at Laura saknong 244. “Saad sa kalatas ay biglang lumulan, at ako’y umuwi sa Albanyang bayan; sa aking maestro nang nagpaalam aniya’y “Florante, bilin ko’y tandaan.” Sa kalatas na ito ay nakasaad na si Florante ay kailangan ng kanyang baying Albanya kaya naman nagpaalam siya sa kanyang guro at agad na bumalik ng Albanya. Sapagkat si Florante ay malayo sa kanyang pamilya, kinailangan ng kanyang pamilya na magpadala ng kalatas upang ipabatid kay Florante ang mga nangyari mula nang siya ay umalis ng Albanya.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Ano ang Visual Spatial na talento?