Ano ang kahulugan ng labi?

Ano ang kahulugan ng labi?

Answer :

Ang labi ay parte ng katawan na matatagphan sa mukha. Ito ay alinman sa dalawang bahagi ng laman na bumubuo sa bukana ng bibig. Sa Ingles ito ay tinatawag na ‘lips‘.

Halimbawa:

  • Nagdugo ang labi ng boksingero nang matamaan siya ng malakas na suntok mula sa kalabang kampeon.
  • Ang kanyang mga labi ay malambot at mapula katulad ng mga rosas.

Ang labi ay may iba pang kahulugan. Ito ay maaring tumukoy sa patay o sa bangkay ng tao. Sa ingles ito ay tinatawag na ‘remains‘.

Halimbawa:

  • Dumating na sa Pilipinas ang labi ng Pilipinong manggagawa na naaksidente sa Europa.
  • Napahagulgol na lamang ang magulang ng dalaga nang makita ang kanyang mga labi.

May mga salita talagang parehas ang baybay ngunit magkaiba ng diin kaya magkaiba rin ang kahulugan:

Iba pang halimbawa:

  • gabi – paglubog ng araw
  • gabí – isa itong gulay
  • aso – ito ay hayop na may apat na paa, madalas na alaga sa bahay
  • asó – tumutukoy sa usok

 

Our team advises readers to look into the following questions : 17. Ano ang sonang may katamtamang klima at pinakamalamig na sona?