Ano ang kahulugan ng makabayan?

Ano ang kahulugan ng makabayan?

Answer :

Makabayan

 

Answer:

 

Ang makabayan ay tumutukoy sa pagmamahal na mayroon tayo sa ating bayan. Ito ay maaaring makita sa pamamagitan ng nasyonalismo o patriotismo ng isang tao. Inuuna natin lagi ang kabutihan ng bayan kaysa pansariling interes. Ito ay dapat taglayin ng bawat mamamayan para sa kaunlaran ng bansa. Bilang mag-aaral, ugaliin ang pagiging makabayan.

 

Ang mga makabayan na mamamayan ay bihira na lamang makita sa panahon ngayon. Ito ay dahil mas marami sa atin ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mga mas magandang oportunidad. Gayunpaman, hangga’t makakaya, lagi nating piliin ang ating bansa kaysa sa iba.

Kahalagahan

Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng pagiging makabayan

  1. Ipinaglalaban natin ang kabutihan ng bayan
  2. Nakikiisa tayo sa mga programa para sa kaunlaran ng bansa
  3. Minamahal natin ang ating mga kababayan.

 

Our team advises readers to look into the following questions :KATOTOHANAN,KABUTIHAN, KAGANDAHAN sa takip silim sa dyakarta​