Ano ang Mabubuong kulay pag pinagsama ang dilaw at asul

Ano ang Mabubuong kulay pag pinagsama ang dilaw at asul

Answer :

Kapag pinagsama ang kulay dilaw at kulay asul makakabuo ka ng kulay berde o green.

Ang kulay dilaw at kulay asul ay tinatawag na pangunahing kulay dahil nagagamit ang mga ito para makabuo pa ng ibang kulay. Kapag pinaghalo naman ang kulay ng pula at dilaw makakabuo ka ng kahel o orange. Maaari ding paghaluhin ang kulay asul at lila para makabuo naman ng asul na lila o blue violet.

Narito pa ang mga ibang kulay na maaaring pagsamahin:

pula at lila

pula at asul

dilaw at kahel

pula-kahel

Mga halimbawa ng bagay na kulay berde:

dahon, damo, ampalaya, buko, kalamansi, repolyo, buko, puno, abokado. tipaklong, asparagus, berdeng mansanas, pipino, bayabas, sayote at marami pang iba.

Karamihan sa mga gulay at maging ang ibang prutas ay kulay berde lalo na kapag ang mga ito ay hindi pa hinog.

Ano nga ba ang kulay?

Ang kulay ay isa sa katangian ng isang bagay na nakikita ng mata. Ito ay maaaring matingkad o mapusyaw.

Mga karaniwang kulay

• pula

• kahel

• dilaw

• luntian

• bughaw

• indigo

• lila

Iba pang mga kulay

• itim

• puti

• ginto

• pilak

• tanso

• abo

• kayumanggi

• rosas

• kalawang

• kastanyo

• limbaon

Mga Uri ng Kulay

1. Pangunahing Kulay: pula, dilaw at bughaw

Nagmumula sa mga ito ang ibang mga kulay, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawa sa kanila o ng mismong tatlong ito.

2. Magkakatugma, magkakatambal, magkakaparehas o magkakaternong kulay(complementary color): pula-Lunti, lila-dilaw at bughaw-kahel

Ang mga kulay na ito ay hindi naglalaban bagkus ay nagtutulungan – lalo na kung magkakatabi – ang mga ito. Kapwa pareho ang lakas o dating nila kapag natingnan ng mga mata.

Kulay bilang mga sagisag:

1. Pula- dugo at apoy

2. Asul- kalangitan

3. Berde- dahon at damo

4. Lila- maharlika

5. Itim- kamatayan at kalungkutan

6. Puti- kapurian at kagalakan

May mga bansa na iba ang pag-uugnay nila sa mga kulay na ito. May mga bansang naniniwalang ang puti ay simbolo ng kapighatian.Sa mga Tsino, ang pula ay hudyat ng pagdiriwang at kagalakan at para naman sa mga mamamayan ng Indiya ang pula ay tanda ng kabanalan.

 

Our team advises readers to look into the following questions :1. What can you say about your different physical activities?