Ano Ang makasaysayang pook Ng aurora,Bataan,Bulacan,Pampanga,Nueva ecija,tarlac,zambales?​

Ano Ang makasaysayang pook Ng aurora,Bataan,Bulacan,Pampanga,Nueva ecija,tarlac,zambales?​

Answer :

Ang Gitnang Luzon ay madaming makasaysayang pook na kinikilala bilang mahalagang bahagi ng kasaysayang ng Pilipinas. Narito ang mga makasaysayang pook sa bawat lalawigan ng Gitnang Luzon:

 

Aurora

  1. Baler Catholic Church. Ito ay isang lumang simbahan na nagsilbing isa sa mga istasyon ng mga sundalong Espanyol noong 1898 hanggang 1899. Pinaniniwalaang sinalakay ito ng mga Pilipinong rebolusyonaryo at itinuturing din itong isa sa mga pwersa ng Espanyol na sumuko sa pwersang Amerikano.
  2. Quezon House. Ito ay lugar na nagsisilbing bahay mabakasyunan ni Pangulong Manuel L. Quezon na matatagpuan sa Baler..

 

Bataan

  1. Dambana ng Kagitingan. Ang Damdana ng Kagitingan na makikita sa tuktok ng  Bundok Samat ay itinayo upang gunitain at kilalanin ang mandirigmang Pilipino at Amerikano na lumaban laban sa mga Hapones na sumakop sa bansa noong taong 1942.
  2. Zero Kilometer Death March. Ang lugar na ito ay may pananda kung saan nagsimula ang Bataan Death March noong 1942 na nagpahirap sa mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Hapones. Dalawang lugar sa Bataan ang may parehong pananda, isa ay sa bayan ng Bagac at ang isa ay nasa bayan ng Mariveles.

 

Bulacan

  1. Barasoian Church. Ito ay makasaysayang simbahan na itinatag noong 1888. Naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ang pook na ito dahil ito itinatag ang Malolos Congress at nagbigay daan sa pagtatatag ng unang republika noong 1899 kung saan nagsilbing pangulo si Emoli Aguinaldo.
  2. Biak na Bato. Ito ay ang lugar na matatagpuan sa San Miguel, Bulacan at nagsilbing pugad at istasyon ng mga mandirigmang Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

 

Pampanga

  1. San Guillermo Church. Ang simbahang ito ay isa sa mga pinamatandang simbahan sa Pampanga at kilala dahil sa ganda katatagan nito noong masalanta ito ng pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Kalahati ng simabahan ay natabunan ng lahar.
  2. Kamikaze Shrine/Kamikaze East Airfield. Ang pook na ito ay matatagpuan sa Mabalacat, Pampanga. Nagsilbi itong base ng mga eroplanong pandigma ng mga Hapon noong sakupin nila ang ating bansa.

 

Nueva Ecija

  1. Plaza Lucero at Cabanatuan Cathedral. Ang mga pook na ito ay kilala sa ating kasaysayan dahil ito ang lugar kung saan pinatay si Heneral Luna.
  2. Camp Pangatian Shrine. Ang kampo na ito ay nagsilbing base ng mga Amerikano nang 20 taon bago ito gawing bilangguan ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 

Tarlac

  1. Camp O’Donnell. Ito ay nagsilbing base militar ng mga Amerikano sa Capas, Tarlac noong panahon ng digmaan. Ito din ang lugar kung saan nagtapos ang Death March noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.

 

Zambales

  1. The Hellship Memorial. Ito ay lugar malapit sa dalampasigan ng Zambales kung saan mayroong panandang pangkasaysayan na kumikilala sa mga nag-alay ng buhay at ikinulong noong panahon ng World War II bilang prisoners of war.
  2. Ramon Magsaysay Ancestral House. Ito ay ang bahay na tinirahan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay na matatagpuan sa Castillejos, Zambales.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Ano ang tungkulin ng PAGASA?