Ano ang paraan ng pamumuhay sa pilipinas ?

Ano ang paraan ng pamumuhay sa pilipinas ?

Answer :

Ang paraan ng pamumuhay sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

  1. Pagsasaka
  2. Pangingisda
  3. Pagnenegosyo
  4. Pagiging propesyonal katulad ng guro, engineer,doctor,pulis at atbp.

 

Paliwanag tungkol sa paraan ng pamumuhay sa Pilipinas:

  • Ang pagsasaka ang kalimitang paraan ng pamumuhay ng ating mga kababayang Pilipino na naninirahan sa malalayong probinsya,katulad ng pagtatanim ng niyog,palay,abaka,mga ibat-ibang uri ng gulay.Pero ang ganitong uri ng paraan ng pamumuhay ng ilan sa atin ay mahina naring pagkakitaan dahil sa climate change na nararanasan natin ngayon, karamihan sa kanilang mga panananim ay namamatay at di na rin napapakinabangan.dahilan para ito ay kanilang ikalugi,Kaya mas lalo nilang kaylangan ang tulong na magmumula sa pamahalaan,para sa ganitong uri ng mga suliranin na kinakaharap nila.

 

  • Pangingisda naman ang paraan ng pamumuhay ng mga kababayan nating mga Pilipino na naninirahan na malapit sa dagat. Tunay ngang napakayaman ng ating karagatan sa mga likas na yaman nito,malalaking isda,masasarap na pusit,hipon at atpb.ang mahuhuli sa ating mga karagatan,Ngunit sa panahon ngayon mahina narin ang ganitong pamamaraan ng pamumuhay dahil sa ang ilan sa atin ay walang disiplina na sa panghuhuli ng isda mayroong gumagamit ng mga paputok na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga corals sa karagatan na siyang tirahan ng mga isda at iba pang lamang dagat. Namamatay din ang mga maliliit na isda at similya dahilan upang maubos ang mga ito.Ang paggamit ng mga lambat na ipinagbabawal ay isa ring dahilan ng pagkaubos ng mga isda sa karagatan. Ang pagtatapon ng mga basura sa ating karagatan dahilan para malison ang mga lamang dagat.Kaya dapat lamag na pagtuunan din ng ating pamahalaan ang ganitong kalagayan.

 

  • Ang pagnenegosyo naman ang paraan ng ilan nating mga kababayan,mapaliit o mapalaking negosyo man ito basta kanilang pagkakakitaan,nakakatuwa namang isipin na marami ang ibat-ibang programa ang pamahalaan upang maturuan ang ating mga kababayaan kung paano makapagsimula ng isang negosyo,kung ano ang mga dapat na isaalang alang kung magtatayo ng isang negosyo.at ito naman at malaking tulong sa mga tao na gusting magsimula ng ganitong mga gawain.

 

  • Ang pagiging propresyonal naman ang paraan ng pamumuhay ng ilan sa ating mga kababayan,ito iyong mga taong nakapagtapos ng kanilang mga pag- aaral dahil sa angkin nilang talino at mga pagsisikap sa buhay upang sila ay makatapos,nakakatuwang isipin na napakadaming mga propesyonal sa ating bansa hindi katulad noong una na pili lamang ang nakapagtatapos ng pag-aaral,sila rin ay malaki ang ambag sa ating lipunan.Katulad nalang ng isa guro,na siyang humuhubog sa mga kabataan upang mas mapalawak pa ang kanilang mga kaalaman,mga engineer na gumagawa ng ating mga naglalakihang gusali at mga kalsada,mga doctor na malaking tulong sa mga may sakit. Tunay ngang napakalaki ng kanilang ambag sa ating lipunan,kaya pasalamat tayo sa mga ahensya mapa pribado man ito o publiko na tumutulong sa mga kabataan na makapag aral ng libre upang makapagtapos ng pag-aaral lalo na doon sa mga kabataang may angkin talino ngunit nagdadalawang isip na pumasok sa kolehiyo dahil sa kakulangan sa pananalapi.

 

Tunay ngang kahangahanga ang mga Pilipino. Dahil ano mang uri ng paraan ng pamumuhay ay kanilang nagagawa at napagtatagumpayan,isa lamang iyang patunay na tayong mga Pilipino ay likas na mapamaraan,masikap,matiyaga at masisipag, ana ating maipagmamalaki sa ibang lahi.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Mga bansa sa silangang asya​