ANO ANG SUMMER CAPITAL NG PILIPINAS

ANO ANG SUMMER CAPITAL NG PILIPINAS

Answer :

Ang Summer Capital ng Pililinas
Ang Summer Capital ng Pilipinas ay ang lugar na Baguio City.
Ang Baguio ay isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang lungsod ng Cordillera Administrative Region. At napapalibotan ito ng probinsiya ng Benguet. Itinatag ng mga Amerikano ang baguio noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw. Ang Baguio ay ginawang “Summer Capital” noong 1 ng Hunyo 1903 ng “Philippine Commision” at idineklarang lungsod ng “Philippines Assembly” noong 1 ng Setyembre 1909.

Mga maaaring Pasyalan sa Baguio(“Tourist Spots”)

Burnham Park
Ang Burnham Park ay may mga bangka at mga bisekleta na maaari mong gamitin o sakyan kasama ang iyong Pamilya o kaibigan.

Mines View Park
Ang Mines View Park ay isa rin sa kilalang pasyalan at matatagpuan ito sa lungsod ng Baguio. Sa Mines View Park ay maaari mong matanaw ang Benguet’s gold and Copper Mine at ang mga nakapalibot sa mga kabundukan. Maaari kang mag upa ng largabista kung nais mong makita ang mga tanawin dito.

Wright Park
Ang Wright Park ay isang mahabang lanaw at may pino ba mga bulaklak sa loob nito at pangunahing atraksiyon. Sa Wright Park ay maylugar na pwedi sa pagsakay sa kabayo at puwedi ring magpakuha ng mga larawan na kasana ang mga Igorot.

Botanical Garden
Ang Botanical Garden ay isa sa mga lugar na ito na makikita mo ang mga nakakamanghang bundok at mga minaha at mga nag gagandahang bulaklak at pwedi ka din mag papicture sa mga aso at kabayo doon, at madami ding mabibiling souvenir na gawa sa kahoy, mga palamuti sa katawan, marami din mabibilhan ng masasarap na pagkain.

Chinese Temple (Taoist Bell Church)
Ang Chinese Temple ay matatagpuan sa ibaba ng La Trinidad Benguet, at ito rin ay isa sa mga atraksyon ng ng mga tao.

Strawberry Farm
Sa Strawberry Farm ay may tinatawag silang “Strawberry Picking” kung saan ikaw mismo ang mangunguha ng sariwang prutas at may mga gulay, at may mga halaman din at maaari mong bilhin sa murang halaga.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Isa sa mga di-mabuting epekto ng migrasyon ay