Ano ang tradisyunal na tula

Ano ang tradisyunal na tula

Answer :

Tradisyunal na Tula

Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod nito. Ang mga salita at paraan ng pagbuo ng mga pahayag ay pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin.

Ang mga tulang Filipino ay may aliw-aliw at indayog kung bigkasin dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod. Ito ay isa ring uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at istilo.

Mga Uri ng Tradisyunal na Tula

1. Salawikain

Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay, karaniwang sambitin ito ngayon na pwede nating gamitin sa totoong buhay.

2. Oyayi

Ang oyayi ay isang uri ng tula o awit na para sa mga bata, ginagamit ito ng kanilang mga magulang upang libangin sila at turuan, ginagamit din ito para sa pagpapatulog sa mga anak.

3. Ambahan

Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga katutubong Mangyan. Ito ay may sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang taludtod na maaaring higit o kulang sa pitong pantig. Ang unang linya sa ambahan ang nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Ano ang meaning ng salita nati’y tulad din sa iba na may alpabeto at sariling letra? please ​