Anong mabuti at masamang naidudulot ng google?

Anong mabuti at masamang naidudulot ng google?

Answer :

Mabuting naidudulot ng G o o g l e

Tumutulong ito magbigay at matuto ng maraming impormasyon may kaugnayan sa iba’t ibang mga paksa. Maraming kapakinabangan nakukuha ang mga estudyante dito may kinalaman sa mga takdang aralin sa eskuwelahan. Gayundin, pantulong ito sa paraan ng ating pagsasaliksik upang makakalap ng mga detalye sa isang espesipikong paksa. Nakakadagdag rin ito ng kaalaman sa bawat isa.

Masamang naidudulot ng G o o g l e

Maaaring may mga impormasyon dito na masasabing hindi totoo o mali dahil ito ay puwedeng mabago. At kahit dito ay laganap rin ang mga fake news na gaya ng makikita sa mga social media. Kasabay nito, baka dumepende na at umasa na dito ang mga nag-aaral at hindi na paganahin ang sariling kaalaman at kaunawaan.

Paliwanag:

Kailangan ang paggamit ng G o o g l e ay nasa tama at para sa kabutihan. Tumutulong ito sa pang-araw-araw natin para magkaroon ng kaalaman mula sa impormasyon at para maging updated. Marami rin tayong magagawa gamit nito dahil makakapagbasa tayo ng mga paksa na gusto natin. Para sa mga estudyante, nagsisilbing gabay ito upang makasagot sa mga asignatura at may matutuhan rin kapag hindi naunwaan ang tinalakay sa eskuwelahan.

Sa kabilang banda, maaaring maging masama ang resulta nito sa atin kung hindi tayo magiging matalino sa paggamit. Mahaalaga na tingnan mabuti kung maaasahan ba ang mga reperensiyang ginamit nang sa gayon ay mapagkatiwalaan natin ito. Huwag basta maniwala sa mga nababasa agad, mahalaga na pag-isipan at pag-aralan rin ang mga bagay-bagay upang hindi mapahamak.

 

Our team advises readers to look into the following questions : Sino si dr. romulo peralta?