Epekto ng kahirapan sa edukasyon

Epekto ng kahirapan sa edukasyon

Answer :

Epekto ng Kahirapan sa Edukasyon

  • Ang kahirapan ay isa sa mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino. Isa rin ito sa maituturing na pinakamabigat na problema ng ating bansa. Ayon sa survey na isinagawa ng Socail Weather Station o (SWS) 52 porsyento ng 1, 500 respondents ang nag sabing sila ay kabilang sa mahirap. Aabot ito sa 12.2 milyong pamilya sa buong bansa. Upang hindi maituturing na kabilang sa hanay ng mga “mahihirap” kailangang kumita ang isang pamilya sa Metro Manila ng hindi bababa sa P 12, 000.00 hanggang 16, 000.00 kada buwan.
  • Malaki ang epekto ng kahirapan sa buhay ng isang mag-aaral. Isa ito sa nag lilimita sa pag unlad ng isang mag-aaral sa larangan ng edukasyon. Ngunit ano ba ang dahilan ng kahirapan? Narito ang ilan sa mga pinaka “basic” na dahilan kung bakit mahirap ang isang pamilya.

1. Ang kawalan ng malinaw na pagpaplano at malabis na paggastos ay isa rin sa dahilan ng kahirapan dahil karamihan sa atin ay padalos-dalos kung mag desisyon. Maraming tao ang inuuna ang kanilang gusto kaysa kanilang pangangailangan.  

2. Hindi nag babudget–mahalaga na may budget plan tayo sa isang buwan. Mag laan ng kaukulang halaga ng salapi sa bawat kategorya ng inyong pangangailanagn. Halimba, ang nakalaan sa pagkain ay sampung libong piso, sa tubig at kuryente ay limang libong piso, sa pamasahe o transportasyon ay dalawang libong piso. Sa pamamagitan nito, nakikita namomonitor mo ang gastos mo at alam mo kung saan ito napunta.  

  •   Iba ang sitwasyon kung ang isang mag aaral ay nangaling sa isang mahirap na pamilya dahil mas maraming balakid sa kanyang pag-aaral. Unang una ay sa pag pili ng kurso, may mga mag aaral na gustong kumuha ng medisina, ngunit sa kawalan ng kakayahan na pang tustos sa matrikula ay iba nalang ang kinukuha. Pangalawa ay ang walang sapat na pangastos sa panga araw-araw, may mga mag-aaral na mas inuunang gastusan ang mga proyekto kaysa bumili ng pagkain o meryenda para masiguro na sila ay papasa, ngunit mahirap mag aral ng walang laman ang tiyan dahil mawawala ang konsentrasyon ng isang estudyante at nagiging sanhi ito sa kanilang pagbagsak. Pangatlo ay ang sobrang pag-iisip ng isang estudyante patungkol sa kanyang pinansyal na aspeto, maaring mauwi ito sa stress kung ito ay mag patuloy, isa rin ito sa mag papahina ng kagustuhan ng isang estudyante para magtapos.
  • Ngunit ang mga ganitong sitwasyon ay kasama na sa buhay ng isang estudyante, kailangan lang ng tiyaga at pagsisikap upang malampasan ang ganitong klaseng pag subok. Palaging isipin na ang “kahirapan ay hindi hadlang upang magtagumpay” dahil marami na ang nag patunay na lahat ng tao, mahirap man o mayaman ay kayang mag tagumpay at abutin ang kanyang pangarap.

 

Our team advises readers to look into the following questions : Anu kahulugan ng magtala