Gumawa ng talumpati tungkol sa pasasalamat sa mga magulang,guro, at kaibigan (10 sentence and above)

Gumawa ng talumpati tungkol sa pasasalamat sa mga magulang,guro, at kaibigan (10 sentence and above)

Answer :

Ang talumpating ito ay aking inihahandog sa mga taong nakapalibot sa aking buhay, naging parte, parte, o magiging parte man, na nagbigay inspirasyon upang mamuhay ng maligaya.

Sa aking mga magulang, kayo ang nagbigay buhay sa akin. Salamat at naisip niyong magkaroon ng supling, at isa nga ako sa mga iyon. Salamat sa mga pangunahing pangangailangang inyong natugunan. Sa pag-aaruga sa akin hanggang sa ako ay makarating sa aking kinalalagyan ngayon. Nawa’y napapasaya ko rin kayo sa mga tagumpay na aking nakamit.

Sa aking mga naging guro, at guro sa ngayon, alam ko ang hirap at sakripisyo na nakadikit sa inyong propesyon. Ngunit ganunpaman, laking pasasalamat ko, at naming lahat na estudyante niyo, dahil kayo ang tumayong pangalawang magulang namin. Hindi lang teyorya at laman ng libro ang itinuturo ninyo sa amin, pati na rin ang aral na ikapupulutan sa tunay na buhay, at sa pakikipagsalamuha sa kapwa-tao.

Sa aking mga kaibigan, salamat. Maraming bagay ang ating pinagkakaunawaan, ngunit may mga bagay din tayong hindi pinagkakasunduan. Ganunpaman, andyan pa rin kayo sa aking tabi; kayo ang mga tagapakinig ko sa tuwing ako ay may masaya, nakakatawa, o nakalulungkot na kwento. Ang tanging hiling ko lang ay sana hanggang sa ating pagtanda, tayo pa rin ay magkakaibigan.

Sa mga taong nabanggit ko, maraming salamat. Maraming salamat at naging parte ako ng inyong buhay. Maraming salamat sa mga ginintuang aral na ibinahagi ninyo sa akin. Kaya ako naging ganito ay dahil na rin sa mga gabay ninyo.

 

Our team advises readers to look into the following questions : 5.If you are knowledgeable with technology,​