Halimbawa ng isang slogan tungkol sa nasyonalismo

Halimbawa ng isang slogan tungkol sa nasyonalismo

Answer :

Halimbawa ng Slogan Tungkol sa Nasyonalismo

 

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Slogan tungkol Nasyonalismo gaya ng;

  • Bansang Sinilangan, Pahahalagahan at Pakakaingatan
  • Wikang Filipino, Ang ating Pagkakakilanlan
  • Kulturang Kinagisnan, Ating Ipagmalaki
  • Para sa bansa ang aking buhay
  • Mga Likas na Yaman ay Pahalagahan
  • Huwag Paluhain ang Inang Bayan
  • Ngiti ng Langit ay Ngiti ng Bayan Kong Sinilangan

 

Ang nasyonalismo ay ang pagiging mabuting mamamayan ng isang tao sa bayang sinilangan. Ito ay isa sa mga katangiang dapat taglayin ng bawat isa upang maipakita ang pagmamalaki at pagmamahal sa lupang tinubuan ng buong puso.  Pagtangkilik at pagpapahalaga ang kailangan ng isang bansa sa mamamayan nito.

 

Paano maipapakita ang pagiging isang Nasyonalismo

Maipapakita ng bawat isa ang pagigigng nasyonalismo sa bansa sa posibleng iba’t-ibang paraan ngunit ang hangarin na diwa at kaisipan ng nasyonalismo ay iisa pa rin gaya ng mga sumusunod:

  • Maipapakita ang pagmamamhalsa bayan sa pamamagitan ng pagiging isang disiplinadong mamamayan. Sumunod sa lahat ng uri ng batas at alamin kung anong tamang gawin at hindi tamang gawin sa lahat ng bagay.
  • Pagpapahalaga sa wikang Filipino. Gamitin ang sariling wika. Hindi masamang gumamit ng ibang wika ngunit dapat alam mong pahalagahan at mahalin ang iyong kinalakihang wika.
  • Tangkilikin ang sariling produkto ng bansa. Bumili sa mga proukto ng bansa at huwag masyadong nakaabang sa mga imported na produkto. Sa halip, tulungan ang mga produkto ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbili.
  • Pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa. Dapat alamin ang nakakabuti at hindi nakakabuti sa mga likas na yaman ng bansa. Gamitin lamang ang nararapat at huwag sayangin ang mga ito.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Katangian ni ginoong pasta