Kahulugan ng disaster management

Kahulugan ng disaster management

Answer :

Ang kahulugan ng disaster management ay tumutukoy sa organisasyon at pamamahala ng mga mapagkukunan at mga responsibilidad kaugnay ng pagbibigay ng prayoridad sa mga katauhan kapag mayroong mga kalamidad. Kasama rin sa disaster management ay ang paghahanda, pagtugon at pagbangon mula sa mga kalamidad. Ang disaster management ay may malaking tulong sa komunidad dahil mas natutugunan ang mga kalamidad nang mas maigi.

Kahulugan ng Disaster Management

  • Ang disaster management ay ang pagbibigay ng prayoridad sa mga katauhan pagdating sa pamamahala ng mga kalamidad.
  • Sa ilalim ng disaster management, lahat ng mga pamamaraan ay kailangang gawin upang ang mga panganib ay hindi mauwi sa kalamidad.

4 na Yugto ng Disaster Management

Ang disaster management ay may 4 na yugto. Narito ang mga ito:

  1. Pagpapagaan o mitigation: Kasama rito ang pagtuturo sa publiko ukol sa disaster management.
  2. Paghahanda o preparedness: Kasama rito ang pagkakaroon ng mga kagamitan para sa mga kalamidad, mga plano sa pagtugon ng mga kalamidad, pagsasanay ng komunidad, pagkakaroon ng SOP (Standard Operating Procedures), at iba pa.
  3. Pagtugon o response: Kasama rito ang komunikasyon, pakikipag-ugnayan sa mga komunidad, pagsalba ng mga buhay, pagbawas ng mga nawala
  4. Pagbawi o recovery: Kasama rito ang pagbangon, pagsasaayos ng mga imprastraktura, at iba pa.

Iyan ang kahulugan ng disaster management. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

 

Our team advises readers to look into the following questions :Among the study habits that you have, write an experience where it proves to