Kahulugan ng disiplina sa sarili

Kahulugan ng disiplina sa sarili

Answer :

Disiplina sa sarili  

Ang disiplina sa sarili ay tumutukoy sa wastong paggamit ng sariling oras at pagkontrol sa mga bagay na kaya nating kontrolin ayon sa ating sarili. Ito ay mahalaga upang maging produktibo at makagawa tayo ng mga bagay ng naaayon sa tama.

Kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili

Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay mahalaga hindi lamang para sa ating sarili kung hindi pati na rin sa mga tao sa ating kapaligiran. Narito ang ilan sa mga pagkakataon na nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili:

  • Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay nakatutulong upang tayo ay maging produktibo
  • Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay nakatutulong upang magamit ng tama at wasto ang ating oras
  • Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay nakatutulong upang magawa natin ang mga trabaho o gawain na ibinigay sa atin
  • Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay nakatutulong upang mapangalagaan natin ang ating kapaligiran. Ang pagtapon ng basura sa tamang basurahan ay isang halimbawa nito

Mga halimbawa na nagpapakita ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maaari nating gawin upang maipakita ang pagkakaroon natin ng disiplina sa ating sarili:

  1. Pagpasok sa paaralan o sa trabaho sa tamang oras
  2. Paggawa ng mga takdang aralin na ibinigay ng guro
  3. Pagtulong sa mga gawaing bahay
  4. Pagkontrol sa sarili na huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamut
  5. Pagkontrol sa mga adiksyon na maaaring makuha
  6. Pagkontrol sa oras ng panonod ng telebisyon

 

Our team advises readers to look into the following questions :Create a slogan showing the importance of proper storing of food.