Kasingkahulugan ng pilato

Kasingkahulugan ng pilato

Answer :

Kasingkahulugan ng Pilato ang paghuhugas kamay o pagpapasa ng responsibilidad sa ibang tao. Kumbaga ang isang tao, kapag nagkakaproblema na at dapat may umako na sa responsibilidad, sya ay maghuhugas kamay. Pwedeng sabihin nya na ginawa na nya ang dapat, o di kaya ay sasabihin nya na wala na sa mga kamay ang desisyon. Nagmula ang ganitong kahulugan mula kay Ponsyo Pilato nag isang gobernador na Romano noong taong 26-36.

Ponsyo Pilato

Si Ponsyo Pilato ay isang gobernador o prefect sa ilalim ng Emperador na si Tiberius sa panahon ng mga Romano. Sya ang namuno sa paglilitis ni Jesus ayon sa New Testament. Siya din ang nagbigay ng hatol ng kamatayan sa kanya. Sa Bibliya sinabing nanaginip ang kanyang asawa na huwag manghimasok sa buhay ni Jesus at dahil dito, naghugas kamay sya at sinabing nasa Emperador na ang responsiblidad. Ngunit dahil sa pag-pressure sa kanya ng mga tao, bumigay din sya at hinatulan ng kamatayan si Jesus.

Kaya sa ngayon, kadalasan na ang salitang Pilato ay kasingkahulugan ng isang mahinang lider o di kaya ay isang lider na naghuhugas kamay at ayaw umako ng responsibilidad sa kanyang mga desisyon.

Isa pang pwedeng gamit ng salitang ito ay sa pangungusap na: Akala mo kung sino kang Ponsyo Pilato!

Dito pwedeng mangahulugan ito na mayabang ang isang tao o nag-aasal na may importansya pero wala naman.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Ano ang dulang panlansangan