Kasukdulan sa kwentong ang ama

Kasukdulan sa kwentong ang ama

Answer :

Ang kasukdulan sa kwentong “Ang Ama” ay nang inilibing na si Mui Mui. Napasigaw ang ama sa labis na kalungkutan at sinabi nito na mahal na mahal niya ang bata.

Paliwanag:

Ang kwentong “Ang ama ay tungkol sa isang lasenggong ama na naiinis sa kanyang anak na si Mui Mui. Kinaiinisan niya ang munting halinghing nito na matagal matapos. Ayaw niyang naririnig ang ganitong ingay lalo na kung ito ay lasing o galing sa trabaho.

Ang pagkamatay ni Mui Mui

Umuwi ang ama na lasing na lasing dahil sa natanggal ito sa trabaho, Pagdating niya ng bahay, narinig na naman niya ang halinghing ng kanyang anak. Nilapitan niya ito at buong pwersang sinaktan at binunggo sa pader. Makalipas ang ilang araw,si Mui Mui ay nagkasakit hanggang sa binawian na siya ng buhay.

Pagsisisi ng ama

Dumating ang araw na kung saan ililibing na ang labi ni Mui Mui. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla na lang naiyak ang ama at sumigaw ito ng pagmamahal sa kanyang anak. Sinabihan niya rin ang sarili na mahal na mahal niya ito at kawawa ang bata. Narinig ng lahat ang kanyang iyak at sinabing, “maaaring siya nga ay lasenggo pero tunay ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak.”

Mga pagbabago

Kapansin-pansin ang pagbabagong ipinapakita ng ama sa kanyang mga anak. Kung dati, hindi sila nagsasalo sa pagkain at tanging mga tira-tira lamang ang pinagsasaluhan, ngayon kusa na siyang bumibili ng pagkain upang pagsaluhan ng lahat

Isang araw, umalis ang ama at siya naman ay sinundan ng kanyang mga anak. Ang akala nila ay bibili ito ng alak ngunit hindi pala. Nag alay ito ng tsokolate sa puntod ni Mui Mui at nag-alay g kaunting dasal.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Kasukdulan sa kwentong ang ama