Katangian ni Isagani​

Katangian ni Isagani​

Answer :

Mga Katangian ni Isagani

Si Isagani ay isa sa mga tauhan sa nobela ni Jose P. Rizal na El Filibusterismo. Batay sa nobela, ang mga sumusunod ay ang mga katangiang taglay ni Isagani:

Isang mabuting mag-aaral na makata

Matinding pagsuporta sa hangarin na magkaroon at ma-aprubahan ang Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas

Masigasig sa pakikipag-usap sa mga taong maaaring makatulong gaya ni Ginoong Pasta sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas

Isa siyang Pilipinong may tamang paninindigan sa buhay at may mabuting puso sa mga kapwa (nalaman niya kay Basilio ang maaaring mangyari sa kasal ni Paulita kaya’t inagaw niya ang lampara at itinapon sa dagat bago pa sumabog ang pinagdarausan ng kasal)

Hindi mapaghiganti (nagpakasal ang kanyang kasintahan na si Paulita kay Juanito ngunit hindi siya nagbalak o gumawa ng kaguluhan)

Isa siyang simpleng binata (pangarap niyang makasama sa hinaharap si Paulita at manirahan sa nayon kung saan malayo sa ingay at polusyon)

Katauhan ni Isagani sa El Filibusterismo

makatang mag-aaral na tagasuporta sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas

amain niya si Padre Florentino

kasintahan ni Paulita Gomez

 

Our team advises readers to look into the following questions :Pechay part used for reproduction