MGA ARAL SA BAWAT KABANATA SA NOLI ME TANGERE

MGA ARAL SA BAWAT KABANATA SA NOLI ME TANGERE

Answer :

Noli Me Tangere:

Ang mga aral sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay ang mga sumusunod:

  • Kabanata 1: Lahat ng tao ay mayroong hindi kanais – nais na pag – uugali.
  • Kabanata 2: Hindi lahat ng tao ay maaaring pagkatiwalaan.
  • Kabanata 3: Mahalaga ang pakikisama.
  • Kabanata 4: Hindi lahat ng nasasakdal ng batas ay makasalanan.
  • Kabanata 5: Sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay, laging mayroong pag-asa.
  • Kabanata 6: Hindi mababago ng pera o ng anumang uri ng kapangyarihan ang pagkatao ng isang nilalang.
  • Kabanata 7: Minsan kailangang magparaya at isantabi ang ibang mga bagay.
  • Kabanata 8: Huwag hayaaang maging hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap.
  • Kabanata 9: Maging mapanuri sa mga taong nakakasalamuha.
  • Kabanata 10: Ang bawat bayan ay may kasaysayan.
  • Kabanata 11: May mga tao talaga na pakitang – tao lamang.
  • Kabanata 12: Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga Kastilang prayle sa bayan ng San Diego.
  • Kabanata 13: Igalang ang labi ng mga yumao.
  • Kabanata 14: Magkakaiba ang  personalidad, paniniwala, at pamumuhay ng bawat tao.
  • Kabanata 15: Ang hustiya ay karaniwang kumikiling sa mga mayayaman at salat para sa mga mahihirap.
  • Kabanata 16: Ang pagmamahal ng ina ay dakila.
  • Kabanata 17: Ang responsableng anak ay may pangarap na paunlarin ang buong pamilya.
  • Kabanata 18: Ang kaligtasan ng bawat kaluluwa kailanman ay walang katapat na halaga.
  • Kabanata 19: Huwag manibugho sa kadiliman ng buhay.
  • Kabanata 20: Sa pagtitimbang ng mga layunin laging alalahanin ang karapatan, kalagayan at kasiyahan ng nakakarami.
  • Kabanata 21: Ang ina ay hahamakin ang lahat para sa anak.
  • Kabanata 22: Hindi lahat ng tao na nakapalibot sa iyo ay malinis ang intensyon sa iyo.
  • Kabanata 23: Importante ang mga kaibigan sa buhay ng tao.
  • Kabanata 24: Ang panghihimasok sa buhay ng may buhay ay hindi tama.
  • Kabanata 25: Ang kapangyarihan ay kayang paikutin ang nakararami, at madalas ang ikabubuti lamang ng sarili ang inuuna.
  • Kabanata 26: Likas sa mga Pilipino ang pagiging masiyahin.
  • Kabanata 27: Mayroong dalawang mukha ang buhay: mga mayayaman at mga mahihirap.
  • Kabanata 28: Ang pagmamahal sa katipan ay naipapahayag tuwing nagkakasakit o nakararanas ng paghihirap.
  • Kabanata 29: Ang mga Pilipino ay may pagka – maluho.
  • Kabanata 30: Ang mga nasa kapangyarihan ay nabubuhay din sa atensyon.
  • Kabanata 31: Ang karapatan ng mayaman at mahirap sa loob ng bahay dasalan ay pantay – pantay.
  • Kabanata 32: Ang tunay na pananampalataya ay hindi dinadaan sa takot.
  • Kabanata 33: Walang mawawala kung bibigyan ng halaga ang isang babala.
  • Kabanata 34: Ang pagtatanim ng butil ng kabutihan ay nasusuklian sa tamang panahon.
  • Kabanata 35: Masama ang lumaban sa mga nakatatanda.
  • Kabanata 36: Ang edad ay hindi dapat gawing basihan sa pagkilala kung sino ang tama o mali.
  • Kabanata 37: Ang pagkilala sa awtoridad ay mahalaga upang mabuhay ng marangal at mapayapa.
  • Kabanata 38: Ang mga Pilipino ay may mayamang tradisyon.
  • Kabanata 39: Maraming tao ang mapagbalatkayo dahil sa pansariling ambisyon.
  • Kabanata 40: Nagdudulot ng gulo ang hindi pakikisama.
  • Kabanata 41: May mga taong kayang kalimutan ang paninidigan at ipinaglalaban para sa pera.
  • Kabanata 42: Kayang magpanggap ng iba para sa sariling kapakanan.
  • Kabanata 43: Ang mundo ay puno ng mga taong huwad at mapagbalatkayo.
  • Kabanata 44: Ang taong masama ay hindi habang-buhay na masama.
  • Kabanata 45: Mahalin mo at sundin ang ama at ina.
  • Kabanata 46: Maraming paraan upang makamtan ang mithiin.
  • Kabanata 47: Walang maidudulot na maganda ang pagyayabangan .
  • Kabanata 48: Bahagi ng anumang relasyon ang mga tampuhan.
  • Kabanata 49: Mahirap nang gamutin ang sakit ng lipunan higit kung napabayaan na.
  • Kabanata 50: Ang hirap na dinanas ng mga ninuno ay nagdudulot ng malalim na poot kung minsan.
  • Kabanata 51: Kinakailangang lumayo ng isang tao kahit sa mga taong mahalaga ka sa kaniya.
  • Kabanata 52: May tamang oras para sa paghihiganti at pagkamit ang hustisyang ninanais para sa sarili at mga mahal sa buhay.
  • Kabanata 53: Mahilig ang mga tao na magbigay ng kahulugan sa mga bagay kahit wala silang sapat na kaalaman dito.
  • Kabanata 54: Walang lihim na hindi nabubunyag.
  • Kabanata 55: Hindi madali ang magbigay ng kapatawaran at hindi rin madaling iwan sa ere ang mga taong tumulong sayo.
  • Kabanata 56: Hindi mabuti ang maniwala sa mga sabi-sabi lalo na kapag di pa ito napapatunayan.
  • Kabanata 57: Hindi lahat ng taong pinaparusahan ay tunay na may sala.
  • Kabanata 58: Sa oras ng kagipitan makikilala ang tunay na kaibigan.
  • Kabanata 59: May mga taong nakukuha sa tapal ang nagawang mali.
  • Kabanata 60: May mga taong napagbibigkis ng kasal kahit hindi naman tunay na nagmamahalan.
  • Kabanata 61: May mga maaasahan tayong kaibigan na gagawin ang lahat para lamang maprotektahan tayo.
  • Kabanata 62: Nasa huli ang pagsisisi.
  • Kabanata 63: Laging mayroong kapalit na maganda ang mga kalunos-lunos na pangyayari sa ating buhay.
  • Kabanata 64: Bawat kasalanan ay may katapat na kaparusahan.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Banghay at pananaw ng gapo