Mga halimbawa Ng teoryang tata

Mga
halimbawa Ng teoryang tata

Answer :

TEORYANG TATA

Pinapalagay na ang teoryang ito, na ang pagsasalita ay buhat sa paggalaw ng kamay ng isang indibiduwal. Batay sa paniniwala, ang naturang teorya ay may relasyon sa pagsasalita at pagkumpas. Sapagkat parte ng isip ang nagdidikta o nagsasabi sa pagkilos at pagsasalita na laging magkaugnay.

Pinaniniwalaan sa teorya ito na ang likhang tunog ay nagmula sa bibig ng isang indibidwal na may kasabay na aksiyon o pagkilos.

Ayon sa mga Pranses sa teoryang ito na ang wika ay nabuo sa paggamit ng dila at bibig upang gayahin ang mga kilos tulad halimbawa ng pagsabi ng “ta-ta” na pamamaalan kung saan tila kumakaway ang ating dila sa pagbigkas nito na tulad ng pagkaway ng kamay tuwing nagpapaalam.

Karagdagang Kaalaman

Ang wika ay nagbuhat sa ingay na gawa ng isang indibiduwal kapag siya ay gumagawa ng puwersang pisikal. Kung susuriing mabuti, may malaking kaiabhan ang naturang pangyayari sa aktuwal na paggamit natin ng wika

Pinapalagay na ang wika ay bunga sa likas na reaksyon ng tao tulad ng masidhing damdamin na ipinahihiwatig sa pamamagitan ng iba’t ibang emosyon at nararamdaman tulad galak, pagkabigla, pagdadalamhati, pangamba at iba pa.

Pinaniniwalaang ang lahat ng bagay sa paligid ay may makahulugang relasyon o ugnayan ng mga tunog at ang katuturan ng isang wika.

Ang teorya naman ay nagmula sa ideyang ang wika ay bunga ng inspirasyong dulot ng pag-ibig, pagiging mapaglaro, poetic sensibility at iba pa.

Kalaunan, umusbong ang iba pang teorya na higit na nagbigay ng paliwanag ng pinagmulan ng wika bagama’t hindi pa rin lubusang nakapagbigay ng tiyak at di-mapapasubaliang paliwanag.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Bahagi ng panukalang proyekto