Mga Pangunahing Humanista

Mga Pangunahing Humanista

Answer :

Mga Pangunahing Humanista

Ang humanista ay mula sa salitang Italian na ang ibig sabihin ay “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin”. Tinatawag na humanista ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greek at Rome. Narito ang ilang mga kilalang humanista:

  • Franceso Petrarch – Siya ang Ama ng Humanismo. Isa pinakamahalagang naisulat niya ay ang Songbook, isang koleksyon ng mga Sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura.
  • William Shakespeare – Siya naman ang Makata ng mga Makata. Ilan sa kanyang mga naisulat ay Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet at Anthony at Cleopatra.
  • Goivanni Boccacio – Ang pinakatanyag nyang gawa ay Decameron. Ito ay isang koleksyon ng isang daang nakakatawang salaysay.
  • Desiderious Erasmus – Siya naman ang Prinsipe ng mga Humanista. Siya ang may akda ng In Praise of Folly kung saan naglalaman ng kanyang pagtuligsa sa mga maling gawi ng mga pari at karaniwang tao.
  • Leonardo da Vinci – Ang kanyang pinakatanyag na obra maestra ay ang Last Supper.
  • Galileo Galilei – Siya naman ay tanyag sa larangan ng Astronomo at Matematika. Siya ang nakaimbento ng teleskopyo.
  • Miguel de Cervantes – Sinulat niya ang nobelang Don Quixote de la Mancha na ang layunin ay kutyain at gawing katawatawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Answer may vary