Mga Tanong: 1. Bakit inaresto si Ibarra 2. Ano ang ginawa ni Elias sa mga kasulatan at alahas ni Ibarra?​

Mga Tanong: 1. Bakit inaresto si Ibarra 2. Ano ang ginawa ni Elias sa mga kasulatan at alahas ni Ibarra?​

Answer :

Ang Kaguluhan

Ang kabanatang ito ay tungkol sa pagdakip kay Ibarra. Nilalaman din nito ang ginawang pabor ni Elias para sa itinuring niyang kaibigan na si Ibarra. Nabalot ng matinding takot ang kabahayan ni Ibarra. Maging si Maria Clara ay labis na nagalala para sa binata. Sa pagkakadakip kay Ibarra, siya ay uusigin at tiyak na parurusahan.

Mga Sagot sa Tanong:

  1. Si Ibarra ay inaresto dahil sa bintang na pag – aalsa. Ang naturang pag – aalasa ay isinumbong ng isang babaeng mangungumpisal. Sinabi ng babae na lulusubin ang kuwartel at ang kumbento ng mga insurektos. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay.
  2. Ang mga kasulatan at alahas ni Ibarra ay sinunog ni Elias. Ito ay upang ikubli ang lahat ng mga ebidensya na maaaring magdawit kay Ibarra sa naganap na paglusob. Nais niya na walang makuhang anumang kasulatan ang mga kawal kaya’t sinikap niya na makagawa ng malaking apoy upang hindi na sila makalapit pa sa gabinete.

 

Our team advises readers to look into the following questions : Moving the hand from the wrist either clockwise or counter clockwise direction.