Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya?​

Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya?​

Answer :

Makakapanahan ang mga tao sa loob ng lipunang ekonomiya kung sila ay makikiisa at tutulong upang maging maayos at maunlad ang estado ng pamumuhay ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin at patakaran ng estado o pamahalaan na siyang nangangalaga at nangangasiwa upang maibahagi ng patas at maayos ang yaman ng bayan sa pagtugon ng kanilang mga pangangailangan. Gayundin, ang pagtulong na maibahagi ang kanilang sapat na kakayahan at talento upang mas mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa at antas ng pamumuhay hindi lamang pansarili kung hindi para sa lahat upang ang lahat ay magkakasama sa pag-angat.

 

Tungkulin ng isang Lipunang Ekonomiya

  • Pangasiwaan ang mga kaban o yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
  • Ang mamamayan ay hindi pagkakapantay-pantay ngunit PATAS.
  • Pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
  • Pangunahang tiyakin na maayos ang pangangasiwa at patas ang pamamahagi ng yaman ng bayan.
  • Sikaping gawin na maging patas para sa nagkakaiba-ibang tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang tunguhin at kakayahan.
  • Magkaroon ng mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.
  • Lumikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao – pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
  • Gawan ang mga tao na maging malaking tahanan ang bansa – isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na manahanan ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay tungo sa mga mithiing makamit ang maayos at mahusay na pamumuhay ng bawat isa.

 

Our team advises readers to look into the following questions :B. On the diagram below, draw an object that will represent the following