Pagkakaiba ng Expansionary money policy at contractionary money policy?

Pagkakaiba ng Expansionary money policy at contractionary money policy?

Answer :

Kaibahan ng Expansionary Money Policy sa Contractionary Money Policy

Ayon kina Case, Fare at Oster (2012), ang patakarang piskal ay nagsasaad sa behavior o kilos ng pamahalaan tungkol sa paraan ng pagbubuwis at paggasta ng pamahalaan sa pamamagitan ng expansionary money policy at contractionay money policy.

2 Pamamaraan ng Pamahalaan sa Ilalim ng Patakarang Piskal

Upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo ng bayan bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa, may dalawang paraan ang gobyerno sa pamamagitan ng mga sumusunod;

  1. Expansionary Money Policy
  2. Contractionary Money Policy

Expansionary Money Policy

-ito ay pamamaraan ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga sumusunod upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa;

a. Paggasta ng Pamahalaan

b. Pagpapababa ng Buwis

Contractionary Money Policy

-ito ay pamamaraan ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga sumusunod kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya.

a. Pagbabawas ng gastusin ng Pamahalaan

b. Pagpapataas ng buwis

Mapapansin na ang paraan ng pagpapatupad sa expansionary money policy at contractionary money policy ay magkasalungat. Depende sa sitwasyon o kalagayan ng bansa kung ano ang pamamaraang dapat isagawa. Batay sa mga nakalahad na impormasyon, masasabing ang kaibahan ng 2 money policy ay ang mga sumusunod;

  • Ang Expansionary Money Policy ay isinasagawa upang mapasigla ang bumababa o matamlay na ekonomiya ng bansa gaya ng recession habang ang Contractionary Money Policy ay isinisagawa upang kontrolin ang pagtaas ng pangkalahatang presyo sa ekonomiya gaya ng inflation.
  • Ang Expansionary Money Policy ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggasta ng pamahalaan habang ang Contractionary Money Policy ay isinisagawa sa pagbabawas ng gastusin ng pamahaalan o pagtitipid.
  • Ang Expansionary Money Policy  ay isinisagawa sa pamamagitan ng pagpapababa ng buwis habang ang Contractionary Money Policy ay isinisagawa sa pamamagitan ng pagpapataas ng buwis.

 

Our team advises readers to look into the following questions :Ano ang kahulugan ng puryas