Sagot sa bugtong na limang puno ng niyog, isa’y matayog

Sagot sa bugtong na limang puno ng niyog, isa’y matayog

Answer :

Limang puno ng niyog, isa’y matayog.

Sagot: Kamay

Kamay ang sagot sa bugtong na ito kung saan ang limang daliri ang tinutukoy na limang niyog at ang gitnang daliri ang sinasabing isa ay matayog.

Explanation:

BUGTONG

Ang bugtong ay isang kawili-wiling laro para sa mga batang pinoy at sa mga nakakatanda. Ang bugtong ay palaisipan na gumagamit ng metapora para ilarawan ang mga bagay, hayop, pagkain o tao na pinahuhulaan. Sa Ingles, ang bugtong ay riddles.

Mga Halimbawa ng Bugtong

  • Dalawang balon, hindi malingon. (Sagot: Tainga)
  • Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan. (Sagot: Bangka)
  • Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. (Sagot: Langka)
  • Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin. (Sagot: Saging)
  • Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. (Sagot: Ampalaya)
  • Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo. (Sagot: Sitaw)
  • Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing. (Sagot: Kampana)
  • Huminto nang pakawalan, lumakad nang talian. (Sagot: Sapatos)
  • Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon. (Sagot: Kalendaryo)
  • Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. (Sagot: Gamu-gamo)
  • Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. (Sagot: Kuliglig)
  • Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna. (Sagot: Niyog)
  • Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso. (Sagot: Santol)
  • Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig. (Sagot: Asin)
  • May balbas ngunit walang mukha. (Sagot: Mais)
  • Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. (Sagot: Kamiseta)

 

Our team advises readers to look into the following questions :Daedalus thoughts,what it tells about him ?