Sagutin ang bugtong ate mo,ate ko, ate ng lahat ng tao

Sagutin ang bugtong ate mo,ate ko, ate ng lahat ng tao

Answer :

Ang sagot ay atis.

Sa ingles, ang pagpapahayag ng isang bagay ng maramihan ay magdadadagdag ng –s kaya kung ate ng lahat, tatawagin siyang atis.

MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA BUGTONG

  1. Ang bugtong ay isa sa mga akdang pampanitikan na hango sa mga salin-saling kuwentuhan ng ating mga ninuno bilang kanilang libangan noon.
  2. Naipasa-pasa sa iba’t ibang henerasyon ang bugtong hanggang sa maisulat ito at naging parte na rin sa pag-aaral sa mga eskwelahan.
  3. Napapatalas ng bugtong ang isipan ng mga kabataan at ng sinumang gustong lumutas ng talinghaga nito.

Ang bugtong ay binubuo ng dalawa hanggang apat na taludtod. Ang bawat taludtod nito ay may sukat at tugma. Binubuo rin ito ng apat hanggang labindalawang pantig. Inilalarawan sa bugtong ang nais na ipahulang bagay sa matalinghagang pamamaraan. Ang sinumang sasagot ay hindi lamang basta manghuhula ngunit mapapaisip siya kung ano nga kaya ang tinutukoy o anong bagay ang may kinalaman sa inilalarawan. Dahil dito, maituturing na napakaganda at kapaki-pakinabang na libangan ang bugtungan.

MGA HALIMBAWA NG BUGTONG

  • hindi hayop, hindi rin tao

ngunit tinatawag niya ako

SAGOT: telepono/cellphone

  • dalawang kuwebang naglalabas ng tubig

pagkaraan nama’y agad  binabalik

SAGOT: ilong (sipon sa ilong ang tinutukoy na tubig)

  • Dala-dala ko siya

Ako rin ay dala niya

SAGOT: tsinelas/sapatos

 

Our team advises readers to look into the following questions :Ano ang kahulugan ng salitang mamamayan?