Sanaysay tungkol sa ako bilang isang anak​

Sanaysay tungkol sa ako bilang isang anak​

Answer :

Ako ay isang mapagmahal na anak, may takot at may respeto sa aking mga magulang. Mahal na mahal ko ang aking mga mga gulang sa pagkat nakikita ko ang kanilang mga paghihirap upang kami ay mabigyan ng maganda at maayos na buhay.

Kaya’t bialng isang anak ninanais kung makatulong sa kanila at mabigyan sila ng magandang buhay. Kaya ako ay nagpupursigi sa aking pag-aaral. Upang maipakita ko naman sa kanila na hindi sayang ang kanilang mga pianag-papaguran.

Ayaw kong nakikitang nag-aaway ang aking mga magulang dahil alam kong sa simpleng away lamang ay nasisira o nagkakawatak-watak ang isang pamilya.

Sa tuwing nag-aaway sila agad akong umaalis, bakit? Dahil ayaw kong marinig kung ano man ang kanilang pinag-aawayan. Dahil bialang isang anak masakit sa akin ang makitang nag-aaway ang dalawang taong importante sa aking buhay. Kapag nalaman kong tapos na silang mag-away agad ko silang nilalapitan. Isa-isa ko silang kinakausap. Kung baga ako yung tulay uapang magkabati silang muli.

Sa tuwing umaga ako ay gumigising upang tulungan ang aking ina sa pagluluto ng aming agahan. Minsan naman ay tinutulungan ko rin siyang maglaba. Bilang isang anak ay ginagawa ko ang lahat ng aking responsibilidad upang gampanan ng maayos ang aking pagiging ANAK sa aking mga magulang.

 

Our team advises readers to look into the following questions : buuin ang mga pangungusap ayon sa wastong ayos ng gamit ng mga pang uring pahambing gawin ito sa iyong sagutang papel​