Sino si Don Timoteo Pelaez sa El filibusterismo?

Sino si Don Timoteo Pelaez sa El filibusterismo?

Answer :

Si Don Timoteo Pelaez sa El filibusterismo
Don Timoteo Pelaez
Siya ang ama ni Juanito Pelaez, at mamanugangin naman niya si Paulita Gomez kilala siya sa El Filibusterismo nan a isang mayamang negosyante.

Sa Elfilibusterismo ay naisip niya na siya ay napaka swerte dahil siya ay magkakaroon ng napakagandang mamanugangin ay napaka-yaman pa.
Siya ay nagpapasalmat din kay Simoun siya na nagpautang sa kanya kaya humaba ang pisi niya, nabili ni Don Timoteo ang isang mansiyon at walang iba kundi ang mansiyon ng namayapang si Kapitan Tiyago at iyon ay nabili niya sa tulong ni Simoun ang mag-aalahas.
Hindi niyang akalaing magdadaos sa kayang bagong bahay ng isang napakarangyang handaan maihahalintulad niya na parang mga diyos ng Olimpo ang kanyang mga panauhin sa kanyang mansiyon. Sila ang mga piling pamilya ng sosyedad na kilala sa kariwasaan.
Sa nabanggit na handaan laging napag-uusapan si Don Timoteo sampu ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan, kapag nababanggit ang salitang mayaman at makapangyarihan kapansin pansing may ngiti sa labing iyuyuko ni Don Timoteo ang kaniyang nakakalbong ulo.
Sa ipinakikitang pag-uugali ni Don Timoteo parang nais niyang ipahiwatig na oo nga ay siya ay mayaman at makapangyarihan, pero hindi ito dapat pag mulan ng kayabangan.
Para sa kanya ang pagyuko niya ay kababan dawn g loob, at ang pagngiti ay pasasalamat sa pagsasabi ng katotohanan sa kasalang dinadaluhan lamang ng mga piling mayayaman at makapangyarihan.

 

Our team advises readers to look into the following questions : 10.Ang bawat bansa sa rehiyon