Tatlong uri ng memorandum​

Tatlong uri ng memorandum​

Answer :

Ang memorandum o kilala rin bilang memo ay isang nakasulat na mensahe na karaniwang ginagamit sa trabaho. Ito ay mga notis na ibinibigay tungkol sa mahahalagang isyu tungkol sa kompanya o sa manggagawa.

Tatlong uri ng memorandum:

Memorandum para sa kahilingan – Ang layunin nito ay makakuha ng positibong tugon sa isang kahilingan. Ang ganitong uri ng memo ay dapat gumamit ng mapanghikayat na wika dahil ang pinakalayunin natin ay mapagbigyan ang ating kahilingan.

Memorandum para sa kabatiran – Ito naman ay ginagamit upang kumpirmahin sa sulat ang isang bagay na napagkasunduan sa salita. Ang mga ganitong uri ng memo ay madalas makikitang ginagamit sa mga sitwasyong nangangailangan ng kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang partido.

Memorandum para sa pagtugon – Ang mga uri naman ng ganitong memo ay karaniwang ipinapamahagi upang makahanap ng mainam na solusyon sa mga problema.  Ang layunin nito ay maaaring mangalap ng mga makabagong ideya mula sa empleyado at iba pang bumubuo sa organisasyon para malutas ang isyung kinakaharap.

Narito ang mga dapat tandaan upang makabuo ng magandang memo:

  • Gawing tiyak at maikli ang paksa ng memo. Huwag maglagay ng mga hindi klarong linya upang maintindihan agad ng mambabasa.
  • Ilagay kung tungkol saan ang memo.
  • Gumamit ng tamang tono. Maging sensitibo sa mga gagamiting salita at isaisip kung sino ang iyong target na mambabasa.
  • Piliin ang tamang communication channel. Isaisip kung mas mainam ba na gumamit ka ng email o iaabot na lang ng personal sa mga empleyado ang memo.

 

Our team advises readers to look into the following questions :How will this help me in my current situation?