Walong mga pangyayari sa kwentong “Ang Ama” ni Mauro R. Avena​

Walong mga pangyayari sa kwentong “Ang Ama” ni Mauro R. Avena​

Answer :

Ang kwentong Ang Ama ay isang literatura na mula sa bansang Singapore. Ito ay isinalin sa tagalong ng Pilipinong manunulat mula sa bayan ng Ilocos na si Mauro R. AvenaAng Ama ay umiikot sa kwento ng isang pamilya na binubuo anim na magkakapatid kasama ang batang si Mui Mui.

Explanation:

Walong Pangyayari sa Ang Ama

  1. Natanggal sa trabaho ang ama ng anim na magkakapatid
  2. Dahil sa hindi magandang pangyayari, umuwi na lasing lasing higit pa sa normal ang kanilang ama
  3. Humahalinghing dahil nag-kasakit ang batang si Mui Mui. Gagap ng buong pamilya kung gaano ikinaiinit ng ulo ng kanilang ama ang paghalinghing ni Mui Mui
  4. Sa lakas ng kanyang paghalinghing ay hindi maiwasang marinig ng kanilang ama ito at sa sobrang pagkainis ay sinuntok ng ama si Mui Mui
  5. Pagkalipas ng dalawang araw ay binawian ng buhay ang batang si Mui Mui
  6. Ipinagluksa at inilibing ng pamilya at mga nakikiramay si Mui Mui
  7. Sa kalagitnaan ng paglilibing ay nagdalamhati at nagsisi ang ama sa kanyang nagawa
  8. Sa labis na pagsisisi at pagdadalamhati ay nag-alay ng pansit ang ama sa puntod ni Mui Mui at ipinangako na hindi na muling bibili ng alak at magiging mabuting ama na

 

Mga Aral sa Kwentong Ang Ama

Binigyang diin ng kwentong Ang Ama ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Sa mahabang panahon ng pang-aabuso at pananakit sa kanyang pamilya, natauhan lamang ang Ama sa kanyang maling gawain nang binawian na ng buhay sa kanyang mga kamay ang kanyang musmos na anak na si Mui Mui.

 

Itinuro din ng kwento na kailanman ang dahas ay hindi tamang tugon lalo na sa pamilya. Na ang pagiging Ama o padre de pamilya ay isang napakalalim na salita. Ang pagiging Ama ay tumatagos sa pagkakaroon ng anak, ito ay makikita sa pagmamahal, pang-unawa, at pag-aaruga na ibinibigay sa pamilya kaalinsabay ng pagiging responsableng haligi ng tahanan.

 

Our team advises readers to look into the following questions :learning task lll illustrate the congruent triangles using the given statements below and mark the specified congruent parts then write the congruence postulate (SAS,ASA,SSS)USED BASED ON THE GIVEN STATEMENTS.​